TUNGKULIN NG ISANG BABAE AT LALAKI
Mayroong
iba't ibang tungkulin ang isang babae at lalaki. Mayroong tungkulin sa
tahanan, kapaligiran, bayan, pamilya, lipunan, eskwelahan o paaralan at marami pang iba. Unahin
nating talakayin ang tungkulin ng isang babae.
TUNGKULIN NG MGA BABAE
Ang mga babae ay inaasahan na maging mapag-intindi o mapag-unawa, mapang-alaga at maalahanin. Isa-isahin natin ang mga ilan sa mga halimbawa ng mga tungkulin ng isang babae.
Kung ikaw ay may asawa't mga anak na, inaasahan na ikaw ay magiging maunawain dahil kadalasan ang mga anak ay makukulit at pasaway. Dahil bilang ilaw ng tahanan, ikaw ang magsisilbing unang guro ng iyong mga anak upang sila ay maihanda sa mga gawain ng paaralan. Ito ay isang halimbawa ng tungkulin sa pamilya. Inaasahan ring ikaw ay maging responsable, dahil ikaw ang nanay, inaasahan na ikaw ang gagawa ng mga gawain ng isang tipikal na may bahay, ito ay isang halimbawa ng tungkulin sa tahanan.
Ganoon rin
kung ikaw ay nag-aaral o isang estudyante pa lamang, inaasahan na ikaw
ay magiging masipag at matiyaga. Ikaw ay nararapat lamang na mag-aral ng
mabuti upang ikaw ay magkaroon ng magandang kinabukasan, ito ay isang
halimbawa ng tungkulin sa paaralan. Nararapat lamang din na ikaw ay
tumulong sa iyong magulang sa mga gawaing bahay, ito ay isa rin sa mga halimbawa ng tungkulin sa tahanan.
Tayo'y magtungo na sa mga tungkulin ng mga lalaki.
TUNGKULIN NG MGA LALAKI
Katulad ng mga babae, mayroon ding mga tungkulin ang mga lalaki.
Kung ikaw ay may asawa't anak na, inaasahan na ikaw ang mag-tatrabaho o magtataguyod sa iyong pamilya. Ang Ama ang sentro o ang padre de pamilya. Dahil bilang haligi ng tahanan, nararapat lamang na ang ama ang magtatrabaho upang may maipakain at may maibigay na pera para sa pang-araw araw na gastusin. Ito ay isang halimbawa ng tungkulin sa pamilya.
Kung ikaw ay lalaki, ikaw rin ay inaasahan na mag buhat ng mga mabibigat na bagay sa kadahilanang mas malakas ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Ito ay isang halimbawa ng tungkulin sa lipunan.
Parehas lamang ang tungkulin ng babae at lalaki sa paaralan o eskwelahan.
Napag-usapan ng aming grupo na kung kami ay tatanungin kung sang-ayon ba kami na pantay-pantay lamang ang kakayahan ng babae at lalaki, ang sagot po namin ay oo, dahil bawat babae at lalaki sa ating lipunan ay may sariling tungkulin na ginagampanan. Yun lamang po, maraming salamat sa pagbibigay ng oras at pansin sa aming blog. Maraming salamat sa pagbabasa!
Baitang - 7 Pangkat - Rizal
~ Pangalawang Pangkat~
Lider:
1. Jeremiah Daniel Regalario
Katulong ng lider (Assistant):
2. Alyssa Andrea Torres
Mga miyembro ng grupo:
3. Barbie Jalandoni
4. Abdiel Reyes
5. Rochel Cabison
6. Maurice Lago
7. Jehan Ara Decena
8. John Aries Gallaza
Ipinasa noong: Martes, ika-16 ng Agosto, 2016
Ipinasa kay:
Bb. Zha-Zha Mejos